Japan niyanig ng 6.2 magnitude na lindol

By Den Macaranas November 12, 2016 - 09:19 AM

USGS Japan
USGS

Niyanig ng malakas na lindol ang malaking bahagi ng Japan kaninang umaga.

Sa paunang ulat ng Japan Meteorological Agency, ang epicenter ng lindol ay natagpuan sa  Eastern part ng Sendai Island.

Wala namang naiulat na mga gusaling nasira sa naganap na pagyanig 6:43 AM oras sa Japan.

Kaagad namang nilinaw ng nasabing ahensya na walang indikasyon na magkakaroon ng tsunami lalo’t naramdaman ito malapit sa Fukushima Prefecture.

Noong March 2011 ay niyanig ng malakas na lindol ang nasabi ring lugar na nagdulot pa ng malaking tsunami na nagresulta sa kamatayan ng maraming tao sa lugar.

TAGS: Japan, senadi, USGS, Japan, senadi, USGS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.