Batikang sportsman na si Ronnie Nathanielsz patay na

By Kabie Aenlle November 12, 2016 - 08:40 AM

Ronnie Natanielsz
FB pic

Pumanaw na ang batikang sports writer at commentator na si Ronnie Nathanielsz sa edad na 81.

Inatake sa puso si Nathanielsz habang patungo sa Las Vegas, Nevada para maging bahagi ng panel ng commentators sa laban ni Sen. Manny Pacquiao kay Jessie Vargas noong Linggo.

Unang dinala sa Intensive Care Unit ng ospital si Nathanielsz ngunit pumanaw na rin ngayong araw.

Magsasagawa muna ng funeral service ang pamilya ni Nathanielsz sa Amerika bago dalhin dito sa bansa ang kaniyang mga labi.

Ang Sri Lankan na si Nathanielsz ay sumikat noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kung saan ay nabigyan rin siya ng Filipino citizenship noong mga panahong iyun.

TAGS: las, Pacquiao, ronnie natanielsz, vegas, las, Pacquiao, ronnie natanielsz, vegas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.