AFP Chief, nagsimula nang mamaalam sa mga sundalo

By Kabie Aenlle November 12, 2016 - 04:31 AM

ricardo_visaya-620x486Sinimulan na ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Ricardo Visaya ang pamamaalam sa mga sundalo dahil sa nalalapit niyang pagreretiro.

Sa December 6 na ang nakatakdang mandatory date ng pagreretiro ni Visaya, na miyembro ng Philippine Military Academy “Matikas” Class of 1983.

Siya ay naitalaga sa kaniyang posisyon noong nakaraang Hulyo.

Nitong nagdaang linggo ay dumalaw si Visaya sa 7th Infantry Division sa Fort Magsaysay, at sa 10th Infantry Division sa Compostela Valley.

Ayon kay AFP Public Affairs Chief Col. Edgard Arevalo ang mga pagbisita na ito bilang parehong “hello and goodbye” na.

Wala pa namang inaanunsyo ang Malacañang kung sino ang sunod na papalit kay Visaya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.