Ito’y matapos ring ibasura ng korte ang motion for reconsideration ng mga recruiters ni Veloso na sina Ma. Cristina Sergio at Julius Lacanilao.
Naglabas si Judge Anerica Castillo-Reyes ng resolusyon noong Agosto na payagan ang prosekusyon na hingin ang testimonya ni Veloso ngunit kinontra ito ng Public Attorney’s Office na kumakatawan naman kina Sergio at Lacanilao.
Giit PAO sa kanilang motion for reconsideration, ang paghingi ng testimonya ni Veloso ay magiging prejudicial para sa kanilang mga kliyente na sina Sergio at Lacanilao.
Gayunman, walang nakikita si Reyes na dahilan para baliktarin ang nauna niyang resolusyon na payagan ang deposition ni Veloso.
Hindi naman nabanggit ng hukom kung kelan maaring lumipad patungong Indonesia ang mga abogado.
Ayon kay Atty. Edre Olalia ng National Union of People’s lawyers na kumakatawan kay Veloso, mabibigyan na sa wakas ng bagong ruling ang kanilang kliyente ng oportunidad na tumestigo at isalaysay ang mga nangyari.
Si Veloso ngayon ay nasa death row sa Indonesia, ngunit ipinagpaliban muna ng pamahalaan ang pag-bitay sa kaniya upang payagan siyang makibahagi sa paglilitis kina Sergio at Lacanilao.
Excerpt: