NCRPO, kumpyansang hindi aabot sa bansa ang mga protesta vs. Trump
Tiwala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na hindi aabot sa Pilipinas ang serye ng mga kilos protesta sa US laban sa pagkapanalo bilang susunod na presidente ng US na si Donald Trump.
Ayon kay NCRPO Dir Chief Supt. Oscar Albayalde, hindi nila prayoridad ang issue dahil mas pinagtutuunan nila ng pansin ang paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Gayun pa man, sinabi ni Albayalde na inatasan na niya ang MPD na tutukan ang seguridad sa US embassy para makatiyak na magiging payapa at maayos ang sitwasyon sa lugar.
Kabi kabilang kilos protesta ngayon sa Amerika matapos ang eleksyon doon kung saan tinanghal ngang nagwagi sa halalan si Donald Trump at tinalo ang mas pinapaboran na si Hillary Clinton.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.