Dating Army chief, kinasuhan ng graft dahil sa maanomalyang P5-M na combat gears

By Kabie Aenlle November 12, 2016 - 04:19 AM

Philippine ArmySinampahan ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at anim na counts ng falsification of public documents si retired Armed Forces of the Philippines (AFP) vice chief of staff Lt. Gen. Gregorio Camiling Jr.

Ito ay may kaugnayan sa umano’y maanomalyang pagbili sa mga combat clothing na nagkakahalaga ng P5.103 milyon, dahil sa paghahati ng mga kontrata at hindi pagsasagawa ng public bidding.

Bukod kay Camiling, nakasuhan rin sina Brig. Gen. Severino Estrella na dating commanding officer ng Army Support Command; Col. Cesar Santos, Capt. George Cabreros, Lt. Col. Barmel Zumel, mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) ng Ascom; Lt. Col. Jessie Mario Dosado na dating BAC Secretary; Col. Cyrano Austria na dating Chief of Staff for Logistics; Editha Santos na dating head ng accounting unit at Rolando Minel na dating chief accountant.

Ayon sa Office of the Special Prosecutor, binigyan ng mga akusado ng undue benefit ang Dante Executive Menswear na nag-supply ng P5.103 halaga ng combat gears nang wala man lang public bidding.

Hindi umano naging patas si Camiling na inakusahan ng gorss inexcusable negligence nang hatiin niya sa anim na magkakahiwalay na procurement directives at purchase orders ang kontrata para sa pagbili ng combat gears sa 540 sundalo noong 2003.

Nakasuhan naman sila ng falsification dahil sa umano’y paggawa ng mga hindi makatotohanang pahayag sa procurement directive para palabasin na ang mga pondo para sa pagbili ng combat gears ay nakahanda na.

Ngunit ang katotohanan ay wala pa talagang pondo nang gawin ang nasabing procurement directive.

Si Camiling ay naitalagang Army commanding general sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.