Bureau of Immigration, nagpatupad ng balasahan sa 139 na mga tauhan sa paliparan at pantalan
Nagpatupad ng balasahan ang Bureau of immigration (BI) sa kanilang mga inspector na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang mga paliparan at pantalan sa bansa.
Ayon sa BI, ito ay para maiwasan ang katiwalian at mapaghusay pa ang professionalism sa mga rank and file nilang tauhan.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, 139 na immigration officers at supervisors na nakatalaga sa NAIA at mga international airport sa Mactan, Cebu; Kalibo, Clark at Davao ang sakop ng reshuffle.
Kasama rin sa balasahan ang mga BI personnel sa mga international seaport sa Zamboanga at ilang mga border crossing station sa Palawan at Mindanao.
Plano ng BI na gawin nang regular ang pagbalasa o reassignment ng kanilang mga tauhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.