Paalala ng PHLPost sa publiko, agahan ang pagpapadala ng Christmas at New Year packages

By Dona Dominguez-Cargullo November 11, 2016 - 04:35 PM

christmas giftsDahil papalapit na ang Pasko at Bagong Taon, may paalala ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa publiko na magpapadala ng liham at packages sa kanilang mga mahal sa buhay.

Kasunod nito inilabas ng PHLPost ang kanilang mail schedule para sa pagdeliver ng mga liham at package sa Pasko at Bagong Taon.

Para sa domestic express mail, ang mga magpapadala ay pinayuhan na magpadala ng liham nang hindi lalagpas sa December 14 at hindi naman lalagpas sa December 12 para sa international express mail.

Kung domestic registered mails naman, mas maaga ang itinakdang petsa ng PHLPost kung saan, dapat ay bago mag December 5 naipadala ang mga liham habang para sa international registered mail naman ay bago dapat mag-November 28.

Para sa mga domestic ordinary mails dapat maipadala ang mga ito ng hindi lalagpas sa December 7, habang para sa international ordinary mails ay hindi dapat lalagpas ng December 5.

Kung domestic parcels naman ang ipapadala, payo ng PHLPost hindi dapat lalagpas sa December 5 ang pagpapadala, at kung international parcels naman hindi dapat lalagpas ng November 30.

Paalala ng PHLPost, dapat sundin ang itinakdang mga schedule para matiyak na ang Christmas greetings at packages ay makararating sa tamang petsa sa kanilang mga mahal sa buhay.

 

 

 

 

 

TAGS: Christmas, mail, New Year, packages, PHLPost, Christmas, mail, New Year, packages, PHLPost

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.