Magsasagawa ng “Martial Law run” at indignation rally bukas ang mga estudyante ng University of the Philippines-Diliman kasama ang ilang grupo ng mga aktibista para ipakita ang pagkadismaya nila sa pagpayag ng Korte Suprema na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ang programa na tatawaging “The Great Lean Run” ay layong maipakita ang mga karanasan noon hinggil sa mga naganap na pag-aresto, pagkulong, torture at summary execution noong panahon ng rehimeng Marcos.
Ang UP Office of the Vice Chancellor for Student Affairs at university alumni ang nag-organisa sa programa.
Aabot anila sa 1,800 ang lalahok sa programa kabilang ang mga estudyante at non-students.
Bago ang Martal Law run, isang kilos protesta laban sa Korte Suprema na tatawaging “Araw ng Dalamhati at Poot,” na gaganapin alas 3:00 ng hapon.