14th month pay, incentive at cash gift matatanggap na ng mga pulis sa November 18

PNPMatatanggap na ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang 14th month pay, P5,000 productivity enhancement incentive at P5,000 cash gift sa susunod na linggo.

Ayon kay Chief Supt. Lurimer Detran, deputy director for comptrollership, ibibigay ang nasabing bonus at insentibo ay matatanggap ng nasa 180,000 na mga pulis sa November 18.

Ito ang ikalawang taon na makatatanggap ng 14th month pay angt mga tauhan ng PNP.

Ang halaga ng 14th month pay ay depende sa ranggo ng mga pulis.

Pero ayon kay Detran, ang isang pulis na may ranggong PO1 at may basic pay na P14,834 ay tatanggap ng P24,834 na yearend bonus.

Habang si PNP chief Director General Ronald dela Rosa na mayroong basic pay na P67,000, ay tatanggap naman ng P77,500 na yearend bonus.

Ngayon taon, aabot sa P3.4 billion ang ponding inilaan ng PNP para sa 14th month pay.

Sa kabuuan, naglaan ang PNP ng P6.8 billion para sa bonus ng kanilang uniformed at non-uniformed personnel.

 

 

 

 

 

Read more...