Aktor na si Richard Gomez, iniimbestigahan na ng PNP matapos mabanggit sa Senate hearing

By Chona Yu November 11, 2016 - 01:57 PM

RICHARD-GOMEZ-0520Putrajaya, Malaysia – Itinuturing na ng Philippine National Police (PNP) na person-of-interest si Ormoc City Mayor Richard Gomez matapos idawit ng hepe ng Albuera Police sa operasyon ng ilegal na droga.

Sa panayam kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa Grand Marriot Hotel sa Putrajaya, Malaysia sinabi ng heneral na iniimbestigahan na nila si Gomez matapos mabanggit ang pangalan niya sa pagdinig kahapon sa senado.

Paliwanag ni Dela Rosa, magandang hakbang ito para kay Gomez dahil kung wala silang mahalukay na ebidensya ay malilinis ang pangalan nito.

Iginiit pa ni Dela Rosa na hindi lang si Gomez ang kanilang iniimbestigahan kundi maging ang iba pang personalidad na idinadawit naman sa salaysay ng napaslang na si Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Una nang iginii ng kampo ni Gomez na walang katotohanan ang mga paratang.

Ayon naman sa Albuera Police, hindi sa affidavit ni Espinosa nabanggit ang pangalan ni Gomez kundi sa affidavit ng isa sa mga testigo.

 

 

 

TAGS: Putrajaya Malaysia, Richard Gomez, Ronald dela Rosa, Putrajaya Malaysia, Richard Gomez, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.