Patay sa pananalasa ng bagyong Lawin sa Cagayan, nadagdagan pa

By Dona Dominguez-Cargullo November 11, 2016 - 01:51 PM

BAGGAO CAGAYAN | Photo from Baggao Police Station
BAGGAO CAGAYAN | Photo from Baggao Police Station

Isang lalaki na nasugatan sa kasagsagan ng pananalasa ng Super Typhoon Lawin sa lalawigan ng Cagayan ang nasawi.

Ayon kay Jaye Cabautan, officer-in-charge sa Office of the Civil Defense sa Region 2, pumanaw na si Benjamin Rumbaua na residente ng Baggao.

Si Rumabua ay unang napaulat na kabilang sa mga nasugatan sa nasabing bayan dahil sa pananalasa ng bagyo.

Hindi naman tinukoy ni Cabautan kung ano ang tinamong pinsala ni Rumbaua na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Dahil dito, umabot na sa pito ang bilang ng mga nasawi sa Region 2 dahil sa pananalasa ng bagyong Lawin habang may naitala naman na 40 sugatan.

 

 

TAGS: Baggao Cagayan, Super Typhoon Lawin, Baggao Cagayan, Super Typhoon Lawin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.