Tropical Storm na namataan ng PAGASA, hindi papasok sa PAR
Hindi inaasahang papasok sa bansa ang isang Tropical storm namataan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, ang bagyo na mayroong international name na Ma-On ay huling namataan sa layong 3,310 kilometer east ng Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometer bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometer bawat oras.
Mabagal ang kilos ng bagyo sa 6 kilometer bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.
Sinabi ni PAGASA forecaster Jaime Bordales, na hindi naman inaasahang papasok sa bansa ang bagyo at walang itong magiging epekto saanmang panig ng Pilipinas.
Samantala, hanging Amihan ang umiiral sa Northern at Central Luzon.
Ngayong araw, ang mga lalawigan ng Batanes, Ilocos Norte, Apayao, Cagayan at Quezon ay makararanas lang maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan.
Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay maaring magkaroon ng isolated na pag-ulan dahil sa thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.