Barack Obama at Donald Trump, nagpulong na sa White House
Nagkaroon na ng one-on-one meeting sa pagitan nina outgoing US President Barack Obama at President-elect Donald Trump.
Kabilang sa tinalakay ay ang pagtitiyak na magkakaroon ng maayos na transition.
Tumagal ng mahigit isang oras ang pulong.
Ayon kay Trump “great honor” na makaharap niya mismo si Obama para pag-usapan ang transition sa White House.
Kapwa isinantabi ng dalawa ang pagiging kritiko sa isa’t isa sa isinagawang pulong.
Matapos ang paghaharap, sinabi ni Obama na kung magiging matagumpay si Trump ay magiging matagumpay din ang buong bansa.
Pinasalamatan naman ni Trump si Obama sa pag-imbita sa kaniya sa nasabing pulong kasabay ng pagsasabing isang “very good man” si Obama.
Sinabi rin ni Trump na hihingi siya ng mga payo mula kay Obama kapag kaniyang kakailanganin.
Kasabay ng nasabing pulong, ang misis naman ni Trump na si Melania Trump ay nagkaroon din ng hiwalay na pakikipag-usap kay First Lady Michelle Obama.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.