Bahagi ng $81-M na nanakaw mula sa kanila, handa nang kunin ng Bangladesh Central Bank

By Kabie Aenlle November 11, 2016 - 04:57 AM

bsp-bangko-sentral-ng-pilipinasNasa Pilipinas na ang isang team ng mga kinatawan ng Bangladesh Central Bank upang makuha na ang bahagi ng $81 milyong nanakaw sila sa pamamagitan ng cyber heist.

Matatandaang nagdesisyon ang korte na sa Bangladesh bank karapatdapat ibalik ang nasa $15 milyong isinuko ni casino junket operator Kim Wong at ng Eastern Hawaii Leisure Company.

Unang nag-sauli si Wong ng $4.63 million, na sinundan ng P488.28 million na katumbas ng nasa $10.05 million, matapos niyang itanggi na may kinalaman siya sa itinuturing na pinakamalaking cyber heist na naganap sa buong mundo.

Ayon kay Bangladesh Ambassador to the Philippines John Gomes na kasama sa pagbibilang ng pera noong nakaraang linggo, ang nasabing $15 ay nasa isang vault sa ilalim ng ligtas na pangangalaga ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Kinumpirma ng isang source ng Reuters na malapit sa Bangladesh Bank ang pagbisita ng Dhaka officials dito sa Pilipinas para mabawi ang pera.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.