Nakasuhan si Andanar ng dalawang counts ng paglabag sa Section 8 ng Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees dahil dito.
Pero ngayon ay inabisuhan ng Office of the Special Prosecutor ang Sandiganbayan Seventh Division na pinagbigyan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang motion for reconsideration ni Andanar na ibasura ang kaso dahil sa kakulangan ng probable cause.
Kinilala kasi ni Morales ang katwiran ni Andanar na sa ilalim ng 1999 Waiver of Rights Agreement, lahat ng kaniyang mga ari-arian ay nailipat na sa pag-aari ng kaniyang limang mga anak.
Dahil dito, nabigyang katwiran aniya ni Andanar kung bakit hindi niya idineklara ang nasabing ari-arian sa kaniyang 2004 at 2005 SALNs, at hindi rin niya nalabag ang Section 8 ng Republic Act 6713.