Goma sa droga: “Huwag nila akong isama sa circus nila”

By Den Macaranas November 10, 2016 - 05:07 PM

RICHARD-GOMEZ-0520
Inquirer file photo

“That is ridiculous and outright laughable. I will not even dignify that with an answer. Huwag nila ako isama sa circus nila”, yan ang maikling tugon ni Ormoc City Mayor at aktor na si Richard Gomez.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs na pinamumunuan ni Sen. Ping Lacson ay nabanggit ang pangalan ni Gomez bilang isa sa mga protektor ng Espinosa group.

Nauna dito ay tinanong ni Sen.Tito Sotto si C/Insp. Leo Laraga ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 kung bakit pa sila kumuha ng search warrant para halughugin ang selda ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Sa kanilang ginawang pagpasok sa Baybay City sub-Provincial Jail ay nakabarilan umano ng mga tauhan ng CIDG si Espinosa at isa pa na kinilala sa pangalang Raul Yap.

Ipinaliwanag ni Laraga na kailangan nilang kumuha ng search warrant sa ibang lugar dahil masyadong maraming personalidad ang kasangkot sa grupo ni Espinosa na sa lalawigan ng Leyte.

Kabilang umano dito sina Baybay Vice Mayor Mike Cari, Leyte Rep. Vicente “Ching” Veloso, na dati ring appellate justice, Leyte Governor Leopoldo Petilla at si Ormoc City Mayor at aktor na si Richard Gomez.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Sen. Ping Lacson na bukas ang kanyang komite para sa panig ng mga personalidad na nabanggit sa naganap na senate hearing kanina.

Samantala, sa kanyang pahayag sa pamamagitan ng social media, sinabi ni Atty. Alex Avisado, abogado ni Gomez, Congresswoman Lucy Torres at Board Member Matt Torres na kilalang lumalaban sa iligal na droga ang kanyang mga kliyente.

“They are advocates of a clean, active and healthy lifestyle. They have not and and will never get involved in drugs. They were resoundingly elected by the people of Ormoc and the 4th District of Leyte based on their solid anti drug campaign”, ayon pa sa nasabing abogado.

 

TAGS: espinosa, Illegal Drugs, lacson, laraga, Richard Gomez, espinosa, Illegal Drugs, lacson, laraga, Richard Gomez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.