Kerwin Espinosa handa ng sumailalim sa WPP

By Den Macaranas November 10, 2016 - 04:15 PM

Kerwin-Espinosa-drug-lord
Inquirer file photo

Kinumpirma ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na nagpaabot na ng kahandaan sa kanilang tanggapan ang suspected drug lord na si Kerwin Espinosa para siya’y sumailalim sa Witness Protection Program (WPP).

Sa Linggo, November 13 ay tutulak na sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates (UAE) ang isang team mula sa Anti-Illegal Drug Group ng Philippine National Police para ayusin ang mga dokumento sa pagbabalik ni Espinosa sa bansa.

Ipinaliwanag ni Aguirre na pansamantalang isasa-ilalim sa custody ng PNP-AIDG si Espinosa habang inaayos ang return of warrant sa lalawigan ng Leyte kung saan isinampa ang kaso laban sa nasabing drug lord.

Inamin ni Aguirre na pinag-aaralan na rin nilang isailalim sa WPP ang buong pamilya Espinosa para na rin sa kanilang seguridad.

Sinabi rin ng opisyal na handang makipagtulungan ang nakababatang Espinosa sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagtestigo laban sa mga personalidad na kanyang naka-transaksyon sa illegal drug trade.

TAGS: aguirre, espinosa, justice department, WPP, aguirre, espinosa, justice department, WPP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.