Obama at Trump magpupulong bukas sa White House

By Den Macaranas November 10, 2016 - 03:07 PM

Trump-Obama
Inquirer file photo

Magkakaharap bukas sa White House sina U.S President barrack Obama at si President-elect Donald Trump.

Sa advisory na inilabas ni White House Spokesman Josh Earnest, pag-uusapan ng dalawa ang magiging transition sa Enero sa susunod na taon.

Nauna dito ay kinausap ni Obama ang kanyang mga staff upang payapain ang sama ng kanilang loob.

Simula kahapon ay naging malungkot na ang mood sa loob ng White House ayon na rin sa pag-amin ni Earnest.

Tiniyak naman ni Obama na babantayan ng Democratic Party ang mga magiging galaw ni Trump bilang bagong lider ng pinaka-makapangyarihang bansa sa mundo.

Sinabi ni Obama na kailangang mapangalagaan ang integridad ng kanilang pamahalaan partikular na ang pagpapatupad ng rule of law.

Ilang oras makaraan ang kanyang pagkapanalo ay kaagad namang pinulong ni Trump ang ilan sa kanyang mga napiling magiging miyembro ng gabinete.

Sa pahayag ng kanyang kampo, inihahanda na raw ni Trump ang pagpapatupad ng kanyang mga ipinangako sa nakalipas na campaign period.

Patuloy pa rin ang pagdating ng pagbati sa bagong U.S president mula sa mga world leaders.

TAGS: clinton, Obama, trump, U.S, White House, clinton, Obama, trump, U.S, White House

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.