Pagpasa sa 120 to 150 days maternity leave, pinamamadali ng isang women’s group
Kinalamapag ng isang grupo ng mga kababaihan ang Senado at Kamara para sa agarang pagsasabatas ng panukalang pagpapahaba sa maternity leave.
Sa isang pulong balitaan, iginiit ng grupong “IndustriALL” na madaliin ang naturang panukala dahil panahon pa umano ng World War 2 ang umiiral na 60-days na maternity leave para sa mga nanganganak na ina.
Sa nakabinbing panukalang batas ngayon sa Kongreso, gagawing 120 days ang maternity leave ng isang babae na magluluwal ng sanggol habang 150 days naman kapag solo parent.
Sa buong Asya, tanging ang Pilipinas lamang umano ang may maiksing na maternity leave kung ikukumpara sa mga kapitbahay na bansa.
Hiniling din nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-certify bilang urgent ang nasabing panukala upang maisulong ang equal gender quality.
Sa Senado, si Senator Risa Hontiveros ang nagsusulong ng mas mahabang paid maternity leave.
Ayon kay Hontiveros inihain niya ang Senate Bill No. 215 o “Expanded Maternity Leave Law of 2016” para mapahaba ang maternity leave mula sa kasalukuyang 60 days ay gawing 120 days, at dagdag na 30 days pa para sa solo mothers.
Sa panig ng Senado, nakapagsagawa na ng unang pagdinig ang Senate Committee on Women and Gender Equality hinggil sa nasabing panukala.
Ayon sa senadora, sa Vietnam, 120 hanggang 180 days ang maternity leave at ang sinusunod na standard ng International Labour Organization’s (ILO) ay hanggang 98 days.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.