Ormoc City Mayor Richard Gomez, idinawit ng CIDG police sa illegal drug operation ng mga Espinosa

By Rohanisa Abbas November 10, 2016 - 12:00 PM

RICHARD GOMEZIdinawit ng team leader ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 na nagsagawa ng raid sa selda ni Albuera Mayor Rolando Espinosa ang aktor at alkalde ng Ormoc City na si Richard Gomez sa Espinosa drug group.

Sinabi ni Chief Inspector Leo Laraga, Northern Leyte Police Provincial Officer, sa pagdinig ng Senado na kinailangan ng CIDG na mag-apply ng search warrant sa Samar dahil may mga pulitiko sa Leyte na sangkot sa operasyon ng droga ni Espinosa.

Pinangalanan ni Laraga ang mga ito bilang ang mga gobernador ng Leyte, alkalde ng Ormoc City at congressman ng ikatlong distrito ng Leyte.

Kalaunan ay kinilala rin ni Laraga ang mga ito bilang sina Baybay Vice Mayor Mike Cari, Representative Vicente Veloso, Leyte Governor Leopoldo Petilla, at Ormoc City Mayor Richard Gomez.

Ani Laraga, personal niyang narinig ang nasabing mga pangalan mula kay Albuera Police chief Inspector Jovie Espenido sa isang case conference.

Itinanggi naman ni Veloso ang alegasyong ito sa kanyang Facebook post.

Aniya, ni hindi pa niya nakikita ang drug lord na si Kerwin Espinosa na anak ng nasawing Albuera mayor.

Tinawag naman ni Petilla na isang kalokohan ang paratang na siya ay protektor ng illegal drugs.

Samantala, wala pang pahayag ang kampo ni Gomez hinggil sa naging testimonya ng pulis.

 

 

 

TAGS: drugs, kerwin espinosa, leyte, Richard Gomez, rolando espinosa, senate hearing, drugs, kerwin espinosa, leyte, Richard Gomez, rolando espinosa, senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.