Estudyante, timbog sa buy-bust operation sa BGC

Inquirer File Photo
Inquirer File Photo

Isang estudyante ang naresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Nagpanggap na buyer ang isang pulis at bumili ng limang pills ng ecstasy mula sa suspek na si Kim Go, at saka ito dinakip.

Nakuha sa pag-iingat ni Go ang siyam na iba pang tableta ng ecstasy na itinago niya sa kahon ng candy.

Ayon sa Taguig City Police, matagal nilang isinailalim sa surveillance ang suspek matapos na tukuyin ito ng kanilang asset bilang supplier ng party drug sa BGC at sa Maynila.

Kasong pagbalag sa sections 5 at 11 ng Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin ni Go.

 

Read more...