Pagbasura sa mga kasong graft laban kay CGMA, pinagtibay ng Sandiganbayan

By Kabie Aenlle November 10, 2016 - 04:20 AM

 

Inquirer file photo

Pinagtibay na ng Sandiganbayan ang pagbasura sa mga kasong graft at ethics violation laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Ang mga nasabing kaso ay may kaugnayan sa kontrobersyal na national broadband network-ZTE Corp. deal.

Sa inilabas na resolusyon ng Sandiganbayan Fourth Division, tinanggihan nito ang motion for reconsideration na inihain ng mga state prosecutors na ipinababaliktad ang ruling na nagbibigay ng demurrer to evidence kay Arroyo.

Nakasaad pa sa resolusyon na matapos nilang basahin ang lahat ng mga argumento ng prosekusyon, lumalabas na kulang ang warrant nito para ipabago ang naunang resolusyon.

Bigo rin anila ang prosekusyon na mag-raise ng mga “new and substantial arguments” para patunayang karapatdapat lang na baliktarin ang ruling ng korte.

Samantala, hindi pa naman inilalabas ng Fourth Division ang kanilang ruling kaugnay naman sa motion for reconsideration na inihain tungkol naman sa isa pang graft case laban kay Arroyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.