Matapos bumulusok, global stocks kumalma na matapos ang speech ni Trump
Nagsilbing pampalubag-loob ang talumpati ni US President elect Donald Trump sa global stock markets na nayanig, ngunit nakabawi rin at kumalma matapos ang kaniyang pagkapanalo laban kay Hillary Clinton.
Kumalma ang mga investors matapos purihin ni Trump si Clinton sa kaniyang victory speech, kasabay ng pag-himok sa mga Amerikano na magkaisa.
Gayunman ay nananatili pa rin ang mga agam-agam ng investors sa magiging trade, immigration at geopolitical policies sa ilalim ng administrasyon ni Trump.
Ayon kay OANDA senior market analyst Craig Erlam, bagaman bahagya niyang napakalma ang mga pagkabahalang dinaranas sa merkado ngayon, nananatili pa rin ang “uncertainty” sa kung anong klaseng Amerika ang balak pamunuan ni Trump.
Sa kasagsagan ng pangunguna ni Trump sa bilangan ng boto, nayanig ang share prices sa Asia, habang bumaba rin ng 0.9 percent ang DAX sa Germany, at 0.4 naman sa British shares.
Pero sa kabila ng biglang panghihina ng stock market sa kasagsagan ng bilangan, naging steady naman ito nang makumpirma na ang pagkapanalo ni Trump at pagkatapos nitong magbigay ng kaniyang talumpati.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.