Babaeng itinulak sa riles ng subway sa NY, isang Pinay

 

Mula sa Inquirer.net

Isang Pilipina ang babaeng nasawi matapos itulak ng kapwa niya babaeng nakaalitan sa New York City subway kamakailan.

Nakilala ang biktima sa pangalang Connie Watton, 49-anyos, isang cook at residente ng Queens, sa New York City.

Ilang dekada nang nagsisilbi bilang housekeeper at cook si Watton para sa pamilya ng bilyunaryong si Stephen Schwartzman na CEO ng Blackstone Group sa Park Avenue.

Samantala, naaresto naman agad ang suspek na isang American na si Melanie Liverpool at kinasuhan na ng murder.

Wala namang piyansang inirekomenda ang korte sa suspek matapos krimen.

Sa imbestigasyon, nagtatalo umano sa hindi pa malamang dahilan si Watton at Liverpool sa platform ng New York City subway sa Time Square.

Nang papalapit na ang tren, bigla na lamang umanong itinulak ni Liverpool si Watton sa riles kaya’t nasagasaan ito at nasawi.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng may problema sa pag-iisip ang suspek.

Read more...