Duterte, ayaw na makipag-away sa Amerika dahil kay Trump

 

“I would like to congratulate Trump. Mabuhay ka.”

Ganito binati ni Pangulong Rodrigo Duterte si US President elect Donald Trump sa kaniyang pagkapanalo sa katatapos lang na halalan.

Mistula ring lumambot na ang pananaw ni Pangulong Duterte sa Amerika ngayong si Trump na ang nanalong pangulo.

Sa kaniyang pagharap sa Filipino community sa Kuala Lumpur, Malaysia, sinabi ni Duterte na ayaw na niyang makipag-away ngayon dahil naroon na si Trump.

Ayon pa sa pangulo, may pagkakatulad sila ni Trump dahil pareho silang napapamura sa mga maliliit na bagay.

Magugunitang madalas binabanatan ni Pangulong Duterte ang US sa tuwing siya ay may talumpati, na nagiging banta sa matagal nang ugnayan ng Pilipinas sa Amerika.

Read more...