Mayor ng Talisay, Cebu, kinasuhan dahil sa kuwestyonableng appointment

 

Ipinag-utos na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasampa ng kasong ‘falsification’ laban kay dating Mayor Johnny De Los Reyes ng Talisay City, Cebu.

Patungkol ito sa iligal umano nitong pag iisyu ng Executive Order (EO) na nag-aapoint sa isang Dr. Paulus Mariae Cañete bilang officer-in-charge (OIC) president ng Talisay City College (TCC) sa kabila ng kawalan ng otoridad mula sa board of trustees (BOT) nito.

Bagamat iginigiit ni Delos Reyes na “in good faith” ang kanyang ginawa, sinabi ng Ombudsman na malinaw sa pulong ng board of trustees noong December 2013 na hindi nito binibigyan ng kapangyarihan si ex- mayor para magtalaga ng college president o kahit ng OIC.

Ayon kay Ombudsman Morales, sinamantala ni Delos Reyes ang kanyang posisyon bilang mayor ng Talisay at Chairman ng board of trustees ng Talisay City College para mag-isyu ng nasabing executive order.

Natuklasan din ng Ombudsman sa isa pang administrative case na may pananagutan ito kasong simple dishonesty kaya nagbabala ito na oras na maulit ang nasabing paglabag ay papatawan ito ng mas mabigat na kaparusahan.

Read more...