Mga pulis na dawit sa Espinosa killing, may 10 araw upang sagutin ang alegasyon

By Jay Dones, Ruel Perez November 10, 2016 - 04:32 AM

Inquirer file photo

Binibigyan lamang ng PNP-IAS ng 10 araw ang mga pulis na sangkot sa operasyon laban kay Mayor Rolando Espinosa para makapagsumite ng kanilang counter-affidavits

Ayon kay PNP Internal Affairs Service Deputy Inspector General Leo Leuterio, ibabase sa kanilang counter-affidavit ang kanilang depensa.

Sa ngayon inaalam pa ng IAS ang bigat ng mga administrative cases na isasampa sa 19 na mga pulis na nag-operate sa loob ng Baybay City Provincial Jail.

Paliwanag ni Leuterio, hawak na nila ang affidavits ng mga jail guards, inmates at mga pulis na nakatalaga kay Espinosa na siyang magsisilbing mga testigo.

Matatandaang 19 na pulis ng CIDG at ng Maritime Group ang pinangalanan ng DILG kamakailan na nanguna sa raid sa Baybay Sub-Provincial Jail.

Ang mga ito umano ang magsisilbi ng search warrant kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. ngunit nanlaban umano ito kaya’t napatay.

Gayunman, marami ang duda sa mga pangyayari kaya’t ilang ahensya na ng pamahalaan kabilang na ang IAS ang naglunsad ng imbestigasyon sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.