Pamilya Marcos, nakipag-usap na sa Army para sa libing ni Ex-Pres. Ferdinand Marcos

Ferdinand-Marcos (1)Nakipag-ugnayan na ang pamilya Marcos sa pamunuan ng Phil. Army para sa paglilibing sa mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Army Spokesperson tumatayong protocol officer Col. Benjamin Hao, nakipag-usap na sa kanila ang isa magkakapatid na anak ng dating pangulo.

Gayunman, sa ngayon wala pa aniyang desisyon ang buong pamilya Marcos kung kailan ililibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating pangulo.

Ani Hao, nag uusap-usap pa rin ang magkakapatid at kanilang ina na si dating unang ginang Imelda Marcos para sa detalye ng libing.

Read more...