Tugade aminadong hirap solusyunan ang trapik sa Metro Manila

Tugade PDI
Photo: Erwin Aguilon

Humarap sa Meet the Inquirer Multimedia Forum si Transport Secretary Arthur Tugade.

Aminado si Tugade na noong una ay may agam-agam siya sa pagharap sa Inquirer at maging sa media sa kabuuan.

Gayunman, pinili niya na makipag dyalogo sa Inquirer upang iparating ang katotohanan.

Nang tanungin kaugnay sa problema sa trapiko sa Metro Manila, sinabi ni Tugade na hindi niya ito magagawa mag-isa bagkus kailangan niya ang tulong ng sambayanan gayundin ng media.

Tinawag pa nitong sira ang ulo ng magsasabing kaya niyang resolbahin ang trapiko sa loob ng isang daang araw.

Ibinahagi rin nito ang mga nakalatag na proyekto sa ilalim ng Duterte administration partikular ang pagkakaroon ng rail system mula Metro Manila patungo sa Clark Airport at pabalik gayundin ang mula Clark patungo ng Subic Port at pabalik.

Kabilang din anya rito ang Bus Rapid Transport System at ang cable car kung saan tatlo na umanong mga local governent units ang naghayag ng interes dito.

Hiniling naman nito ang pang unawa ng publiko dahil ayon sa kanya wala pa silang isang taon sa puwesto kumpara sa iba na tumagal ng ilang taon.

Sa tanong kaugnay sa pagka bypass niya sa Commission on Appointments, sinabi ni Tugade na ipinapaubaya niya sa Pangulong Rodrigo Duterte kung siya at muling itatalaga sa DOTr.

Read more...