Pagbibiro ni Duterte kay Robredo pinalagan ng kaalyado sa LP

By Isa Avendaño-Umali November 09, 2016 - 03:26 PM

Leni Yolanda
RTVM

Inalmahan ni Dinagat Island Rep. Arlene Kaka Bag-ao ang aniya’y hindi katanggap-tanggap na mga hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo.

Paalala ni Bag-ao kay Duterte, ang pagiging pangulo ng bansa ay hindi exemption para sa nararapat na respeto sa dignidad ng mga tao lalo na sa mga kababaihan.

Giit ng mambabatas na kaalyado ni Robredo sa Liberal Party, kailangang igalang ni Pangulong Duterte ang pangalawang pangulo hindi lamang dahil siya ang ikalawang pinakamataas na lider ng bansa kundi bilang indibidwal at isang babae.

Dagdag pa ni Bag-ao, dapat maging magandang halimbawa ang mga lider ng bansa partikular sa mga kabataan.

Kahapon, maraming nakapuna sa umano’y inappropriate na mga biro ni Presidente Duterte kay VP Robredo habang nagtatalumpati sa paggunita sa pananalasa ng supertyphoon Yolanda sa Leyte.

Bukod sa tinanong ni Pangulong Duterte kung totoong may karelasyong congressman si VP Robredo, ikinuwento pa ng punong ehekutibo na naputian siya sa tuhod ng pangalawang pangulo.

TAGS: bag-ao, duterte, leyte, Robredo, bag-ao, duterte, leyte, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.