Canadian immigration nag-crash dahil sa mga Amerikano na gustong umalis sa U.S

By Den Macaranas November 09, 2016 - 03:02 PM

OfflineNananatiling bagsak at offline ang Canadian immigration website dahil sa dami ng nagla-login dito na mga mamayan mula sa U.S.

Sa ulat ng Reuters, inaccessible pa rin ang mga website na https://www.cic.gc.ca/ at https://www.cic.gc.ca/english// at ito’y naganap nang magsimula nang lumamang ang pambato ng Republican na si Donald Trump sa bilangan sa katatapos na U.S elections.

Bagaman walang pang reaksyon dito ang pamahalaan ng Canada, sinabi naman sa ulat ng The Independent at BuzzFeed News na posibleng may kaugnayan ang pag-crash ng website sa naging pahayag ng mga namumuno sa Cape Breton na isang malaking isla sa Atlantic Coast sa Canada.

Noong nakalipas na buwan ng Pebrero ay kanilang sinabi na bukas ang nasabing bahagi ng Canada para tanggapin ang mga American nationals na gustong umalis sa U.S sakaling manalo sa eleksyon si Donald Trump.

Ipinaliwanag pa sa kanilang statement na sila ang magsisilbing refuge para sa mga Amerikanong gusto nang lumayas sa kanilang bansa.

Nauna dito ay nagbiro ang ilang mga tagasuporta ni Hillary Clinton sa kanilang mga Twitter account na aalis na sila sa kanilang bansa kapag natalo ang kanilang pambato sa halalan.

TAGS: canada, donald trump, Hillary Clinton, U.S, canada, donald trump, Hillary Clinton, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.