2 na ang patay sa insidente ng pamamaril sa poling center sa California

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2016 - 01:20 PM

City of AzusaDalawa na ang nasawi kabilang ang suspek habang malubhang nasugatan ang dalawang iba pa sa insidente ng pamamaril malapit sa dalawang polling center sa Azusa, California.

Ayon kay Los Angeles County Sheriff Lt. John Corina, walang kinalaman sa eleksyon ang naganap na pamamaril.

Nagkataon lang aniya na naganap ito sa kalsada malapit sa botohan at sa isang elementary school na ginagamit ding polling site.

Isa ang nasawi sa nasabing pamamaril, habang ang gunman na hindi pa nakikilala ay natagpuang patay din sa isang bahay sa lugar.

Dahil sa nasabing insidente, ang mga botante doon ay pinalipat sa ibang kalapit na polling places kung saan maari silang makaboto.

 

TAGS: Azusa California, Shooting Incident, US elections, Azusa California, Shooting Incident, US elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.