VP Robredo, tinawag na “inappropriate” ang mga pahayag kahapon ni Pangulong Duterte
Tinawag ni Vice President Leino Robredo na “inappropriate remarks” ang mga pahayag o ang pagbibiro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniya kahapon sa talumpati nito hinggil sa paggunita sa pananalasa ng bagyong Yolanda.
Sinabi ni Robredo na hindi dapat pinapayagan ang mga hindi angkop na komento laban sa mga kababaihan.
“Many were bothered and offended by it. As we all rightly should. Tasteless remarks and inappropriate advances against women should have no place in our society. WE should expect that most of all from our leaders,” nakasaad sa pahayag ni Robredo.
Sa pabirong pahayag ng pangulo kahapon sa anibersaryo ng pananalasa ng Yolanda, tinanong niya kung may kasintahan si Vice President Robredo, pinansin din ang pagsusuot umano ng maiikling damit ng pangalawang pangulo kapag cabinet meeting.
Giit niya, hindi tamang nangagaling ito sa mga lider sa pamahalaan.
Mas pinili na lamang umano ni robredo na huwag na lamang pansinin ang mga biro ng pangulo dahil may mas mahahalagang bagay na dapat pag-usapan tulad ng pangangailangan ng mga biktima ng Yolanda.
“When President Duterte made inappropriate remarks, I deliberately chose to ignore these. There are larger and more urgent issues we confront as a nation that demand our collective attention,” ani Robredo.
Sa kabila ng pangyayari, sinabi ni mananatili ang kaniyang commitment sa paglaban sa karapatan ng mga kababaihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.