Pangalan ng “Libingan ng mga Bayani” binago sa Google Maps, dinagdagan ng salitang “Magnanakaw”
Isang araw matapos ang desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Fernadinand Marcos, binago ang pangalan ng nasabing libingan sa Google Map.
Miyerkules ng umaga, kapag hinanap ang “Libingan ng mga Bayani Manila, NCR” sa Google Map, lalabas ang imahe at mapa ng sementeryo na may nakasulat na “Libingan ng mga Bayani at Isang Magnanakaw.”
Ang Google Map ay search engine, para sa mga lugar.
Ayon sa support.google.com ang google user ay maaring makapag-edit ng lugar o detalye ng lugar sa google map.
Kinakailangan lamang buksan ang Map Maker at i-click ang ‘search’ para sa lugar o detalyeng gustong i-edit.
Dadaan din sa approval ng google ang pag-edit, basta’t maglalagay lamang ng valid reason ang user kung bakit niya gustong i-edit ang impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.