Nasuspinde ang klase sa Jose Abad Santos sa Tondo Maynila matapos itong makatanggap ng bomb threat.
Isang text message ang kumalat na nagsasaad na may sasabog na bomba sa paaralan.
Nakasaad pa sa mensahe, na ito umano ang ‘balik nila kay Pangulong Duterte dahil sa pagpaslang na nagaganap”.
Dahil dito, agad nagpatawag ng mga tauhan ng bomb squad para busisiin ang buong paaralan.
Maging ang mga bag ng mga estudyante ay isa isa ring pinalapitan sa mga bomb siniffing dog
Nag-negatibo naman sa bomba ang eskwelahan gayunman, maging ang panghapon na klase ay sinusnpinde na rin ng pamunuan ng paaralan.
Sa kabila nito, suspendido na rin maging ang pang hapon na klase | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/kzh7zNbyMD
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 9, 2016
Matapos magalugad ang paaralan ng mga tauhan ng bomb squad, nag-negatibo ito sa bomba | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/ElZjao39lk
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 9, 2016