Clinton lamang na, mayroon nang 68 electoral vote count kontra sa 48 ni Trump

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2016 - 09:38 AM

AP Photos
AP Photos

(DEVELOPING) Habang patuloy na pumapasok ang naging resulta ng botohan sa mga estado sa Amerika, lamang na sa electoral vote count si Hillary Clinton.

As of 9:25 ng umaga, oras sa Pilipinas, mayroon nang 68 electoral vote count si Clinton kumpara sa 48 naman ni Trump.

Kinakailangan ng 270 o higit na electoral vote count para manalo.

Sa update mula sa Associated Press, kabilang na sa mga estado kung saan nagwagi si Clinton ay sa Vermont, Delaware, Maryland, New Jersey, at sa Massachusetts.

Habang si Trump ay wagi sa Tennessee, South Carolina, Oklahoma, West Virginia, Indiana at Alabama.

Mas marami pang malalaking estado ang patuloy pa ang pagpasok ng resulta.

 

 

TAGS: donald trump, Hillary Clinton, US elections, donald trump, Hillary Clinton, US elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.