Trump, lamang sa dalawang US states; resulta ng botohan sa mas malalaki pang estado, patuloy na pumapasok
Si Republican Donald Trump ang nagwagi sa dalawang US states partikular sa conservative states na Kentucky at Indiana.
Habang Vermont state, si Hillary Clinton naman ang projected na magwawagi.
Ayon sa ulat ng Associated Press, sa ngayon sarado na rin ang botohan sa mga itinuturing na battleground states na Virginia at Georgia pero wala pang pumapasok na resulta.
Patapos na rin ang botohan sa dalawa pang malalaking estado na North Carolina at Ohio.
Kinakailangang manalo sa 270 states para maideklarang wagi bilang US President. Sa pagpasok ng mga unofficial results, si Trump ay mayroong 24 at 3 pa lamang si Clinton.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.