Ayon sa PAGASA, kahapon, 23.1 degrees Celsius ang naitalang pinakamababang temperatura ganap na alas singko ng umaga.
Sinabi ni PAGASA forecaster Benison Estareja, ngayong umaga, posibleng mas mababa ang minimum na temperatura.
Samantala, isang Low Pressure Area (LPA) pa rin ang binabantayan ng PAGASA sa 885 kilometer East ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Ang buong bansa ay makararanas ng maaliwalas na panahon ngayong araw at mayroon lamang isolated rainshowers o thunderstorms partikular sa Mindanao.
MOST READ
LATEST STORIES