Mas malamig na panahon, aasahan sa susunod na mga araw ayon sa PAGASA
Bagaman mahina pa ang umiiral na Amihan sa bansa, unti-unti nang mararamdaman ang paglamig ng panahon.
Ayon sa PAGASA, kahapon, 23.1 degrees Celsius ang naitalang pinakamababang temperatura ganap na alas singko ng umaga.
Sinabi ni PAGASA forecaster Benison Estareja, ngayong umaga, posibleng mas mababa ang minimum na temperatura.
Samantala, isang Low Pressure Area (LPA) pa rin ang binabantayan ng PAGASA sa 885 kilometer East ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Ang buong bansa ay makararanas ng maaliwalas na panahon ngayong araw at mayroon lamang isolated rainshowers o thunderstorms partikular sa Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.