Proseso ng early voting sa Nevada, inireklamo ni Donald Trump
Maagang naghain ng reklamo ang kampo ni Donald Trump at kinuwestyon ang naging proseso ng botohan sa Las Vegas, Nevada.
Ayon sa kampo ni Trump, hindi agad isinara ang early voting sa Nevada kahit tapos na ang itinaktang oras dahilan para makadagsa pa ang mga botante na pabor kay Hillary Clinton.
Pero sa ilalim ng rules na inilabas ng Nevada, nakasaad na mananatili silang bukas kahit tapos na ang oras ng botohan para sa early voting upang mabigyang pagkakataon ang mga eligible voters na inabutan ng pagsasara habang nasa pila.
Agad namang itinakda ang hearing sa nasabing reklamo ni Trump.
Sa kaniyang official twitter account, binanggit din ni Trump ang mga ulat na nagkaroon ng problema ang mga voting machine sa maraming lugar sa Amerika.
May ilang oras pa ang mga botante sa Amerika para bumoto.
Matapos ang pormal na pagsasara ng mga polling places ay inaasahang isa-isa nang magpapasukan ang resulta.
Kapwa nakaboto na sina Clinton at Trump maging ang kanilang running mates.
Habang si outgoing US President Barack Obama ay nakaboto na noong Oktubre sa pamamagitan ng early voting.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.