Mas malaki at mas mabilis na mga MRT, posible na sa 2017

 

Inquirer file photo

Sa susunod na taon na inaasahang darating sa bansa ang natitirang 14 sa 48 na Dalian coaches na binili ng administrasyong Aquino para sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3).

Dahil dito, inaasahan ng pamunuan ng MRT-3 na mas madaragdagan pa nila ang daily capacity ng tren ng hanggang 800,000 na pasahero pagdating ng katapusan ng 2017.

Ayon kay MRT-3 officer in charge Deo Manalo, dalawang coache ang inaasahang darating ngayong weekend, at oras na maisaayos na ang signaling system ng mga tren, maari nang magamit ang mga ito pagdating ng first quarter ng 2017.

Dagdag pa ni Manalo, inaayos na rin nila ang pag-upgrade ng substation supplying power sa MRT-3 dahil sa ngayon, tanging three-car trains lang ang kaya nitong ma-supplyan.

Dahil sa gagawing upgrade, kakayanin na nitong magpatakbo ng 24-car trains araw-araw, sa bilis na 60 kilometers per hour na may headway na 2.5 minutes.

Sa ngayon, nakakapagpatakbo ang MRT-3 ng 20 tren araw-araw sa bilis na hindi bababa sa 40 kilometers per hour, na may headway na 4.5 minutes.

Read more...