Inaasahang makikipagpulong si Duterte kay Malaysian Prime Minister Najib Abdul Razak, at haharap rin siya sa Filipino community doon mamayang gabi.
Mahigit 150,000 na mga Pilipino ang naninirahan ngayon sa Malaysia.
Magkakaroon naman ng stopover si Duterte sa Thailand upang makiramay sa Thai royal family sa pagpanaw kamakailan ni Kung Bhumibol Adulyadej.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Sec. Charles Jose, kabilang sa mga pag-uusapan nina Najib at Duterte ay ang panukalang pagsama ng Malaysia sa peace talks ng pamahalaan ng Pilipinas sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Bukod dito ay mapag-uusapan rin ang mga isyu ng seguridad sa Sulu-Sulawesi Sea, counterterrorism at ang pagiging chairman ng Pilipinas sa ASEAN sa susunod na taon.
Una nang hinimok ni Duterte ang Malaysia at Indonesia na magsanib pwersa sa pag-sugpo sa piracy, kidnapping at iba pang krimen na nagaganap sa mga karagatang bumabalo sa tatlong bansa.