VP Robredo, sanay na maging “pulutan” ni Pangulong Duterte

By Kabie Aenlle November 09, 2016 - 04:33 AM

 

Inquirer file photo

Sanay na si Vice President Leni Robredo sa mga pagbibiro sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte, lalo’t madalas itong ginagawa sa kaniya kahit sa mga pormal na okasyon.

Aniya, nasasanay na siya sa pangulo na parati siyang nagiging “pulutan.”

Pero ayon kay Robredo, gaya ng sinasabi ni Duterte, pagbibiro lang naman ang mga sinasabi nito sa kaniya.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa paggunita ng ikatlong anibersaryo ng pananalasa ng super bagyong Yolanda sa Tacloban City, sinabi niya na minsan ay pinagmamasdan niya ang tuhod ni Robredo kapag sila ay may pulong sa Malacañang.

Ani Duterte, napapansin niya lagi ang mga binti ni Robredo sa tuwing nakasuot ito ng maiksing palda, na inilarawan niya pa bilang isang “view.”

Inalala pa ng pangulo ang isang pagkakataon aniya na tinawag siya ni Finance Sec. Carlos Dominguez dahil malayo siya sa kanila, ngunit ang kalihim na lang ang pinalapit niya dahil pinagmamasdan niya ang binti ni Robredo.

Pabiro pang sinabi ni Duterte kay Robredo na sana ay sa susunod, magsuot na lamang ito ng shorts, ngunit sa kanilang ikatlong Cabinet meeting ay napunta na sa kabilang dulo ng mesa ang bise presidente kaya nawalan na siya ng “view.”

Binanggit rin ng pangulo na madalas niyang binibiro si Robredo sa kanilang mga pulong para mapagaan lang ang mood.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.