3 PNP Generals at 10 iba pa, nakaligtas sa nag-crash na helicopter sa Palawan

By Jay Dones, Ruel Perez November 08, 2016 - 11:49 PM

 

Mula sa Inquirer.net

Maswerteng nakaligtas sa kapahamakan ang 13 sakay ng isang Air Force helicopter makaraang mag-crash land ito sa palayan sa lalawigan ng Puerto Princesa, Palawan, Martes ng hapon.

Kabilang sa lulan ng naturang Sokol chopper sina Chief Supt. Wilben Mayor, Regional Director ng MIMAROPA, Chief Supt. Camilo Cascolan, PNP Operations chief at Chief Supt. Nestor Bergonia, hepe ng PNP National Operations Center.

Dalawa naman sa iba pang sakay ng nasabing helicopter ang nagtamo lamang ng minor injuries sanhi ng crash landing.

Sa imbestigasyon, nagsasagawa ng aerial inspection ang grupo Puerto Prinsesa City kung saan nakatakdang magpunta si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno para sa isang event nang mag-malfunction ang makina ng helicopter at mabilis na bumulusok pababa.

Mabuti na lamang at nagawa ng mga piloto na ligtas na mailapag ang helicopter sa isang palayan sa Sitio Sabang, Barangay Cabayugan.

Gayunman, nawalan ng balanse ang naturang helicopter kaya’t bumaligtad ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.