Mga tutol sa hero’s burial para kay Marcos nagpakita ng pwersa sa U.P

By Alvin Barcelona, Den Macaranas November 08, 2016 - 08:21 PM

Satur
Photo: Alvin Barcelona

Nagtipon sa University of the Philippines sa Diliman sa Quezon City ang hanay ng mga militanteng grupo bilang pagpapakita ng pagtutol sa naging desisyon ng Supreme Court pabor sa hero’s burial para kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na isang paglapastangan sa mga biktima ng human rights violations noong panahon ng Martial Law ang naging desisyon ng Mataas na Hukuman.

Kahit saang anggulo tingnan ay hindi umano nararapat na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos.

Ikakasa rin ng nasabing grupo ang mga serye ng kilos-protesta bilang pagpapakita ng pagtutol sa desisyon ng Supreme Court.

Sumali rin sa isinagawang rally ang mga iskolar ng bayan sa loob ng U.P compound.

Sinabi naman ni Bayan Secretary General Renato Reyes na kakausapin nila si Pangulong Rodrigo Duterte para ipaalala sa kanya ang masamang karanasan ng bansa sa panahon ng administrasyong Marcos.

TAGS: Bayan Muna, libingan ng mga bayani, Marcos, satur, U.P, Bayan Muna, libingan ng mga bayani, Marcos, satur, U.P

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.