Marcos patuloy na huhusgahan ng sambayanan ayon sa Akbayan

By Isa Avendaño-Umali November 08, 2016 - 02:55 PM

ferdinand-marcos
Inquirer file photo

Labis na ikinalungkot ng Akbayan Partylist ang pasya ng Korte Suprema na paboran ang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa kabila nito, tiniyak ni Akbayan Partlist Rep. Tom Villarin na hindi dito nagtatapos ang kanilang laban.

Ayon kay Villarin, maaaring pinili na ng publiko na magpatawad pero hindi umano dapat kalimutan ang sakripisyo ng mga lumaban sa diktaturyang Marcos na dahilan ng demokrasya at kalayaan sa Pilipinas sa ngayon.

Ang paglibing umano kay Marcos sa LNMB ay hindi nangangahulugan na kasamang maililibing nito ang katotohanan.

Patuloy umanong huhusgahan si Marcos ng mga susunod pang henerasyon.

Ang Magnificent 7 ng Kamara ay maghahain din aniya ng motion for reconsideration o MR sa Mataas na Hukuman.

Umaasa silang maglalabas muli ng status quo ante order ang SC para sa usapin.

TAGS: akbayan, libingan ng mga bayani, Marcos, akbayan, libingan ng mga bayani, Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.