Paglilibing kay Marcos, sa Libingan ng mga Bayani, pinayagan ng Korte Suprema

Ferdinand-Marcos-0922Nagbigay na ng go signal ang Korte Suprema para mailibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa botong 9-5, ibinasura ng mga mahistrado ang petisyon na humihiling na mapigilan ang hero’s burial kaky Marcos.

Labingapat na mga mahistrado lamang ang nagbotohan makaraang mag-inhibit si Associate Justice Bienvenido Reyes.

Ang mga mahistrado na buoto pabot sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay sina Associate Justices Arturo Brion, Presbitero Velasco Jr, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Jose Perez, Teresita de Castro, Jose Mendoza, at Estela Perlas-Bernabe.

Habang tumutol naman sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, at si Senior Associate Justice Antonio Carpio gayundin sina Associate Justices Marvic Leonen, Francis Jardeleza, at Alfredo Benjamin Caguioa.

Walang ibinigay na dahilan si Justice Reyes sa kaniyang pag-inhibit pero magugunita na ang nasabing mahistrado ang nagpanumpa noon kay Pangulong Rodrigo Duterte pwesto.

Bago makapaglabas ng desisyon, dalawang beses na nagsagawa ng oral arguments ang Korte Suprema hinggil sa nasabing petisyon, ang una ay noong August 31 at ikalawa ay noong September 8.

Noong August 23 unang nagpalabas ng status quo ante order (SQAO) ang Supreme Court hinggil sa hero’s burial kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani na tumagal hanggang sa September 13.

Noon namang September 8, pinalawig ng Mataas na Hukuman ang SQAO hanggang October 18 at muling pinalawig hanggang ngayong araw November 8.

 

 

 

Read more...