Bigtime drug trader arestado sa Cebu City; mahigit P14M na lahaga ng shabu ang nasabat

By Cebu Daily News, Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2016 - 12:57 PM

CDN Photo/Ador Mayol
CDN Photo/Ador Mayol

Naaresto ng mga tauhan ng Cebu City Police Office (CCPO) ang isang bigtime drug trader sa isinagawang pagsalakay sa kaniyang bahay sa Barangay Pasil sa nasabing lungsod, pasado alas 2:00 ng madaling araw kanina.

Nasabat mula sa suspek na si Melchor Ocarol, 53 anyos ang aabot sa P14.8 milyon na halaga ng shabu.

Ang suspek na itinuturing na hig-value target ng Cebu City police ay kapatid ng dating kapitan ng barangay sa Pasil na si Romeo Ocarol.

Itinanggi namna ng suspek na kaniya ang mga nasabat na shabu at sinabing ipinatago lamang ang mga ito sa kaniya.

Ayon kaky Chief Insp. Christopher Navida, hepe ng City Intelligence Branch, isang buwan din nilang isinailalim sa surveillance ang bahay ni Ocarol.

Ayon kay Navida, tinangka pa ni Ocarol na pakiusapan ang mga pulis para hindi siya arestuhin.

Nakuha din kay Ocarol ang isang logbook na naglalaman ng mga barangay sa Cebu City na sinusplayan niya ng shabu.

 

 

TAGS: bigtime drug trader, Cebu City, drugs, bigtime drug trader, Cebu City, drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.