Arraignment kay Mark Anthony Fernandez, muling ipinagpaliban ng korte

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Hindi na naman natuloy ang nakatakdang arraignment sa aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Sa halip na ngayong araw, itinakda na lamang ni Judge Meredith Malig ng Pampanga Regional Trial Court Branch 58 sa December 13 ang pagbasa ng sakdal sa aktor.

Ito ay matapos bigong maisumite ng pulisya sa korte ang reinvestigation report sa pagkakadakip kay Fernandez.

Ayon sa abogado ni Fernandez na si Sylvia Florez, hiniling ng piskalya na iurong ang arraignment.

Ang naturang arraignment ay para sa kasong paglabag ng aktor sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Naaresto si Fernandez noong October 3 matapos mahulihan ng isang kilong marijuana.

Nakakulong ang aktor sa Pampanga Provincial Jail.

 

 

Read more...